Kinampihan ni Senador Antonio Trillanes IV ang bagitong si Senadora Leila de Lima.
Kaugnay ito sa plano ni de Lima na imbestigahan ang mga kaso ng summary execution at extrajudicial killings sa mga hinihinalang sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Ayon kay Trillanes, may karapatan ang bawat senador na magkasa ng mga imbestigasyon partikular na sa mga usaping nagdudulot ng pangamba sa publiko.
Wala ring nakikitang masama si Trillanes kung ang Committee on Justice and Human Rights na pamumuan ni de Lima ang siyang hahawak sa imbestigasyon.
Ito’y ayon kay Trillanes ay dahil sa ang komite ni de Lima ang siyang may hurisdiksyon sa nasabing usapin.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)