Humingi na ng ayuda Philippine National Police (PNP) sa Palasyo ng Malacañang para humingi ng karagdagang pondo.
Ito’y para suportahan ang pagsasagawa ng mandatory at random drug testing sa buong hanay ng pulisya.
Ayon kay PNP Chief Dir/Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa, maliban sa 160,000 miyembro ng PNP, kasama rin sa programa ang kanilang mga non-uniformed personnel o NUPs.
Una nang inihayag ni PNP Crime Laboratory Director C/Supt. Emmanuel Aranas na 300 piso bawat isa ang budget allocation para sa mandatory drug testing.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal (Patrol 31)