Pinakakasuhan ng Department Of Justice sa Olongapo Regional Trial Court ang 4 na Hong Kong Nationals na una nang natimbog sa drug raid ng PNP Anti-Illegal Drugs Group sa tinaguriang Floating Shabu Laboratory sa Subic, Zambales.
Sa Walong pahinang resolution ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, ipinasusulong na nito ang kasong paglabag sa Section 8 at 11 ng Republic Act Number 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga akusadong sina Shu Fook Leung, Kam Wah Kwok, Win Fai Lo, at Kwok Tung Chan.
Matatandaang nuong July 11 habang sakay ang 4 ng isang barkong pangisda nang masabat ng mga otoridad sa karagatang sakop ng Zambales kung saan nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang mga kagamitan sa paggawa ng shabu.
Narekober din sa kanila ang may kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 2.5 Million Pesos.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo