Umaasa ang kampo ni dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo na ibabasura ng Korte Suprema ang Plunder Case nito.
Ayon sa kanyang abogadong si Attorney Estelito Mendoza, inaasahan nila ang paborableng desisyon dahil malinaw, aniya, na walang ebidensya sa umano’y maling paggamit ng dating Pangulong Arroyo sa P. 360 Milyong Pisong Confidential Funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Matatandaang naghain ng petisyon si Ginang Arroyo noong Oktubre upang ipabasura ang nasabing Plunder Case at payagan siyang makapagpiyansa.
Ngunit sa kabila ng pagpayag ng sandiganbayan na makapagpiyansa ang mga kapwa-akusado ni Ginang Arroyo, hindi pinayagang magpiyansa ang dating Pangulo at Dalawang beses pang pinalawig ang pag-freeze ng Plunder Trial nito.
Inaasahang iaanunsiyo ng Korte Suprema ang desisyon sa Plunder Case ni dating Pangulong Arroyo sa Martes.
By: Avee Devierte