Nagpahayag ng kahandaan ang France sa kanilang pagtulong para mabawasan ang tensyon sa South China Sea.
Kasunod ito ng naging ruling ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague kung saan pumabor ito sa Pilipinas laban sa China sa usapin ng territorial dispute.
Ayon kay French Ambassador to the Philippine Thierry Mathou, handa itong himukin ang dalawang bansa para pag-usapan sa pamamagitan ng diplomasya ang naging desisyon sa pinag-aagawang teritoryo.
Interest umano ng kahit sinong bansa sa mundo na tumulong para mapahupa ang tensyon sa pamamagitan ng negosasyon.
Tiwala rin ang opisyal na makakahanap ng paraan ang bagong Pangulong Rodrigo Duterte para maabot ang lahat ng stakeholder sa isyu kasama na ang China para maayos na ang usapin sa teritoryo.
By Rianne Briones