Asahan na ang mala-summer na panahon ngayong linggo bunsod ng pinahabang ridge of High Pressure Area (HPA) sa silangang bahagi ng Luzon.
Posibleng makaranas ng maalinsangang panahon lalo sa umaga at mga thunderstorm sa dakong hapon o gabi.
Inaasahang tatagal hanggang Biyernes ang mainit na panahon at posibleng umabot sa 25 hanggang 34 degrees celsius ang agwat ng temperatura sa Metro Manila.
Sa Tuguegarao City, Cagayan, inaasahang aabot sa 25 hanggang 36 degrees celsius ang temperatura; 16 hanggang 25 degrees celsius sa Baguio City at 22 hanggang 32 degrees celsius sa Tagaytay City, Cavite.
Samantala, isa hanggang tatlong bagyo ang maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan.
By Drew Nacino