Ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang motions for reconsideration na inihain ng mga petitioners na may kaugnayan sa disqualification cases laban kay dating senator Bongbong Marcos.
Sa magkahiwalay na resolusyon, pinagtibay ng comelec en banc ang naunang hatol ng second division at first division ng poll body.
Nag-ugat ito sa hirit ni Fr. Christian Buenafe at iba pang petitioners na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ng dating senador.
Ang COMELEC ruling ay kinatigan ni Chairman Saidamen pangarungan at maging nina Commissioners Marlon Casquejo, Socorro Inting, Aimee Ferolino, at Rey Bulay.
Nag-inhibit naman sa usapin si Commissioner George Garcia dahil naging kliyente niya noon si Marcos.
Sa partial and unofficial results ng Halalan, malayo na ang agwat ni dating senator Bongbong Marcos sa mga katunggali niya sa presidential race matapos makakuha ng higit 30M boto habang higit 14M boto lamang ang nasungkit ni Vice President Leni Robredo.
Sa pagka-bise presidente, nakuha rin si Davao City mayor Sara Duterte ng higit 31M boto habang mahigit 9M lamang ang naisukbit ng nakasunod sa kanya na si dating sen. Kiko Pangilinan.