Dumating na sa bansa ang 1.15-M doses na Astrazeneca COVID-19 vaccine.
Ang mga bakuna ay lulan ng China Airlines Flight CI701 at lumapag sa NAIA Terminal 1 kaninang alas-10 ng umaga.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, ito ang unang batch ng Astrazeneca vaccine na binili ng pribadong sektor at inaasahan ang pagdating ng second batch sa Augusto.
Nasa 500 pribadong kumpanya umano ang bumili ng nasabing mga bakuna at nakatakdang i-donate ang ilan dito sa mga lokal na pamahalaan. —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)