Higit 1.2 bilyong kabataan sa buong mundo ang nahaharap sa banta ng kaguluhan , kahirapan at sexual discrimination.
Batay ito sa pag-aaral na ginawa sa may isandaan at pitumpu’t limang (175) bansa ukol sa mga isyu ng child labor, paghinto sa pag-aaral o kawalan ng edukasyon, child marriage at maagang pagbubuntis.
Sa ulat ng Save the Children, higit kalahati ng kabuaang bilang ng mga kabataan sa buong mundo ang nahaharap sa kahit isa sa tatlong pangunahing problema.
Walo sa sampung bansa na tinukoy na hindi nakabubuting lugar para sa mga kabataan ay mula sa West at Central Africa kung saan pinakamalala ay sa Nigeria.
Samantalang ang Singapore naman ang may pinakakakaunting insidente ng mga naturang problema.
—-