Target ng health department na mabakunahan kontra Covid-19 ang nasa 1.2 milyong kabataan na may comorbidity.
Ito’y kasabay ng pagsisimula ng pediatric vaccination sa bansa.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, base umano ito sa 10% ng kabuuang 12.7 milyong kabataan na may edad na 12 hanggang 17 anyos.
Dagdag ni Vergeire, kasama sa Pediatroc vaccination ay kailangaan ring may pahintulot mula sa kanilang magulang at dapat pumapayag ito na mabakunahan.
Bukod dito, sasailalim ang bawat kabataan na nabakunahan sa 15 minutong monitoring at tatlumpung minuto ang ilalaan sa mga mayroong asthma, allergies at anaphylaxis.
Samantala, binigyang linaw ni Vergeire na kailangan na nakarehistro ang kabataan na kasama sa pediatric vaccination dahil mahigpit na ipinagbabawal ang walk-ins sa mga ito.