Inihayag ni Senador Raffy Tulfo na aabot na sa 1.2 milyong Pilipino ang nagkakasakit sa kidney taun-taon dahil sa pagkonsumo ng maalat na produkto base sa nakuhang datos mula sa National Kidney Institute.
Sinabi naman ni Tulfo kay Trade Secretary Alfredo Pascual na makipag-ugnayan ito sa mga kinauukulang ahensya gaya ng Food and Drug Administration (FDA) para himukin ang mga manufacturer na maghanap ng mas mabuting alternatibo sa sodium chloride upang maibsan ang mga panganib na dala sa kalusugan ng sobrang maalat na pagkain.
Umapela rin ang mambabatas sa dti na protektahan ang mga konsumer laban sa mga produktong delikado sa kanilang kalusugan, partikular ang mga mataas ang sodium level katulad ng instant noodles at delatang sardinas. —sa panulat ni Hannah Oledan