Magkakaloob ng karagdagang 1.2 Million Dollars ang Canadian Government bilang humanitarian assistance sa mga naninirahan sa conflict area sa Mindanao.
Idaraan ang pondo sa Action Against Hunger at International Committee of the Red Cross at makatutulong sa food security, kalusugan, estado ng pamumuhay, hanapbuhay at emergency-preparedness sa Zamboanga at Maguindanao.
Ang naturang pondo ay bahagi ng commitment ng Canada na 331.5 million Dollar humanitarian support sa mga lugar na pinaka-bantad sa kaguluhan sa 32 bansa.
By: Drew Nacino