Tinatayang 1.2 milyong katao ang dumagsa sa 23rd Panagbenga Festival sa Baguio City.
Ayon kay Baguio City Police Office Director, Senior Superintendent Ramil Saculles, pinakamarami ang dumagsa sa taunang flower festival parade kung saan kabilang sa dinumog ang mga float ng dalawang higanteng TV network.
Dahil dito, halos hindi nahulugang-karayom ang mga tao sa magkabilang ng Session at Harrison Roads.
Kabuuang dalawampu’t tatlong (23) float ang lumahok sa grand parade na tumagal naman ng halos tatlong oras.
Samantala, nakatakda namang ianunsyo sa Miyerkules, ang mga nanalo sa parada.
—-