Mahigit isang milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa kagabi.
Ang naturang mga bakuna ay binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng Asian Development Bank.
Nakalaan ang naturang COVID-19 vaccines para sa ikalawang phase ng National Vaccination Days.
Maliban sa Pfizer, dumating rin kahapon ang 255,200 doses ng Astrazeneca na binili naman ng pribadong sektor.
Sa ngayon ay umabot na sa 151.4 million doses ng mga bakuna kontra COVID-19 ang dumating sa bansa. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)