Aabot sa 1.3 Bilyong Pisong halaga ng mga gamit ang hindi pa na-i-de-deliver sa Philippine National Police ang naungkat ng Commission on Audit.
Taong 2016 nang bumili ang P.N.P. ng combat and mobility equipment mula sa government owned na Philippine International Trading Corporation subalit hindi pa na-i-de-deliver ng supplier.
Inirekomenda ng COA sa PNP na ipa-deliver ang mga nasabing equipment sa loob ng anim na buwan.
Inihayag naman ni PNP Spokesman, Senior Supt. Benigno Durana na pag-aaralan nila kung ipa-re-refund ang 1.3 Billion Pesos sa sandaling hindi ma-i-deliver.
Samantala, dispalinghado at hindi na magamit ng tactical motorized unit ng Quezon City Police District ang dalawa nilang Mahindra Patrol Jeep matapos masira ang makina nito.