Mahigit 1.3 milyong Pilipino ang nakatanggap na ng kanilang unang COVID-19 booster shot sa ilalim ng “Pinaslakas” campaign ng pamahalaan.
Ayon sa Department of Health (DOH), hanggang nitong Agosto 9 ay nasa 17,514 na ang fully-vaccinated sa A2 population.
Inilunsad ang “Pinaslakas” Campaign noong July 26, kung saan target na makapagturok ng 23 million shots sa unang 100 araw ng Marcos administration.
Sa kabuuan ay halos 72 milyong indibidwal na ang fully vaccinated sa bansa kung saan, nasa 16.8 million individuals na ang nakatanggap na ng kanilang first booster dose, habang 1.4 million naman ang nabigyan na ng second booster shot.