Mahigit 1.3 milyong kabahayan, lalo sa mga liblib na lugar ang nanganganib makaranas ng rotating power interruptions ngayong taon.
Ito’y dahil hirap pa rin ang National Power Corporation (NPC) na bayaran ang kanilang konsumo sa krudo.
Aminado si Energy Secretary Rafael Lotilla na lumaki ang gastos sa krudo at maaaring maka-apekto ito sa power supply, partikular sa mga lugar na hindi konektado sa grid.
Inihayag ng Department of Energy at NPC na ang 2023 forecast fuel requirements para sa small power utilities group (SPUG) ay P11.4 billion.
Gayunman, P7.5 billion lamang ang available budget dahil ang fuel price assumption ay nasa P55 per liter lamang nang nilikha ang pondo subalit kalauna’y sumampa sa P74 ang kada litro.
Ibinabala rin ng kalihim na kung walang karagdagang pondo, tiyak maaapektuhan ng power outages ang mga residente sa mga SPUG area.
Dahil kakapusin sa krudo, magbabawas ng operating hours ang mga planta na maaaring abutin na lamang ng 15 oras kada araw kumpara sa kasalukuyang 24 oras, na magreresulta naman sa 5 oras lamang na supply ng kuryente kada araw.