Nagbabala ang National Power Corporation (NAPOCOR) sa pagkawala ng kuryente kung hindi tataas ang budget nito para sa susunod na taon.
Ayon kay Jenalyn Tinonas, Financial Planning, Budget, at Program Review division ng NAPOCOR, imunukanghi sa Senado na posibleng magkaroon ng shutdown ang 278 existing plants sa katapusan ng Hulyo 2023 dahil ang budget para sa diesel fuel ay sasakupin lamang ang buwan ng Enero hanggang Hulyo 2023.
Nasa 1.3 milyong kabahayan ang maapektuhan kung magkaroon ng outage bilang resulta ng pagsasara ng mga power plant. —sa panulat ni Jenn Patrolla