Maaaring umabot sa 1.4 milyong informal settlers sa Metro Manila ang mawawalan ng tahanan dahil sa pagpapatupad ng Private-Public Partnership (PPP) Program ng pamahalaan.
Ayon sa grupong Kadamay, ito ay dahil sa sunod-sunod na demolisyon na ginagawa ng administrasyong Aquino.
Sinabi ng grupo na batay sa kanilang talaan, umabot na sa mahigit 70,000 informal settlers ang nawalan ng tahanan, sa 5 taong pagpapatupad ng administrasyon ng PPP.
Iginiit ng Kadamay na bagamat mayroong relocation areas, nahihirapan naman ang mga informal settlers ditto dahil natatagpuan ang mga ito sa malalayong probinsiya at malayo sa kanilang hanapbuhay.
By Katrina Valle