Tinatayang 1.4 na milyon ang madadagdag sa populasyon ng bansa ngayong taon.
Ayon ito kay Juan Antonio Perez III executive director ng Commission on Population and Development (POPCOM) at 10% rito ay teenager.
Taun-taon dumadagdag ang populasyon natin, ngayong taon madadagdagan tayo ng 1.4 million atleast, pwedeng mas mataas pa doon baka mas maraming magbuntis pa this year kaysa mga nakaraang taon pero yung mga bilang na ‘yon 1.4 million o higit pa, atleast 10% ay magiging adolescent o mga teenager, 3 sa 10 magbubuntis ay teenager,” ani Perez.
Sinabi sa DWIZ ni Perez na maraming factors ang pinag-uugatan sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan at pangunahin dito ang malaking pagbabago sa behaviour ng mga ito kung saan isa sa kada tatlo sa 15 hanggang 19 anyos ay sangkot na sa premarital sex.
Makikita nila na 1 out of 3 na 15 to 19 years old ay nag-e-engage na sa premarital sex at nakita nila yung engagement sa premarital sex na dati ay batang lalaki lamang ngayon pati batang kababaihan, mga kabataan ay nag-engage na din in premarital sex. Sumasabay dito yung pagkakaroon ng cellphone, paglawak ng social media, yung behavior na dumadami yung umiinom, naninigarilyo, yung mga behavior na tinatawag naming risky,” ani Perez.