Pumapalo na sa 1,403, 588 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 matapos maitala sa 5, 604 ang mga bagong kaso ng nasabing virus.
Ito ayon sa DOH ang pinakamababang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na apat na araw.
Naitala sa 52, 029 ang active cases kung saan 90.1 percent ang mild cases, 5 percent ang asymptomatic, 1.4 percent ang critical cases, 2.1 percent ang severe cases at 1. 49 percent ang moderate cases.
Sumirit na sa 24,456 ang death toll matapos madagdag ang 84 na bagong nasawi sa COVID-19.
Umakyat na rin sa 1,327, 103 ang total recoveries kasama na ang 6, 154 na mga bagong gumaling sa nasabing sakit.