Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang P1.5 billion budget para sa health care worker allowances at compensation sa mga dinapuan ng COVID-19 habang naka-duty.
Saklaw ng pondo ang meals, accommodation at transportation benefits ng mga hindi nakatanggap ng benepisyo mula September 15 hanggang December 19, 2020.
Sa pagtaya ng DOH, mahigit 420K healthcare workers ang hindi nakatanggap pa ng nasabing benepisyo.
Magugunitang inihayag ni health secretary Francisco Duque III na aabot na sa P16 billion ang naipamahaging benepisyo sa mga healthcare worker sa gitna ng COVID pandemic.—mula sa panulat ni Drew Nacino