Lumapag na sa bansa ang karagdagang 1.5-milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine sa bansa ngayong umaga ng Biyernes, ika-7 ng Mayo.
Lulan ng Cebu Pacific flight ang 1.5-milyong doses na ito na, sa ngayon, ay ang pinakamalaking shipment ng Sinovac vaccine na kabilang sa mga binili ng pamahalaan.
Sinalubong naman nina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang pagdating ng naturang mga bakuna.
LIVE: Pagdating ng 1.5-milyong dose ng Sinovac vaccine sa bansa https://t.co/kI3HyZqBP2 | via @raoulesperas pic.twitter.com/Bl9apU9boW
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 7, 2021
Samantala, sa kabuuan ay nasa 5-milyong doses na ng Sinovac vaccine ang dumating sa Pilipinas; 1.5-milyon ngayong ika-7 ng Mayo, kapwa 500,000 noong ika-29, ika-22, at ika-11 ng Abril, 1-milyon noong ika-29 ng Marso, 400,000 noong ika-24 ng Marso, at 600,000 naman noong ika-28 ng Pebrero.
Donasyon naman ng pamahalaan ng China ang una at ikalawang batch ng Sinovac vaccine na dumating sa bansa. —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)