Apektado ang 1.5 milyong mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Gitnang Silangan partikular sa bansang Saudi Arabia ng patuloy na pagbaba ng halaga ng langis.
Ayon kay Administrator Rebecca Calzado ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), maaaring madamay ang mga OFW’s sa iba pang gulf state gaya ng United Arad Emirates (UAE) Bahrain, Oman at Qatar sakaling magka-problema ang mga manggagawang Pilipino sa Saudi Arabia.
Tiniyak ni Calzado ang paghahandang ginagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) para tulungan ang mga OFW na mawawalan ng trabaho sakaling umuwi sa bansa.
“Ang DOLE po ay nagpeprepara na din kung sakaling kinakailangang umuwi dito, ang ginagawa po nila is yung parang tinatawag na kung sino ang puwedeng maapektuhan at kung ano yung ibang opportunities dito sa ating bansa kung hindi man sa ibang bansa.” Pahayag ni Calzado.
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas