Pinangangambahang mawalan ng trabaho ang may tinatayang nasa 1.5 milyong Pilipino na nakabase sa Gitnang Silangan
Ito’y sa sandaling simulan nang magtanggal ng mga tauhan ang mga kumpaniya na nasa ilalim ng industriya ng langis dahil sa over capacity.
Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, katumbas aniya ang nasabing bilang sa 75 porsyento ng 2 milyong Overseas Filipino Worker o OFW na nagtatrabaho sa Middle East.
Una rito, tiniyak ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma noong isang linggo na handa ang pamahalaan na magbigay ayuda sa mga Pinoy na maaapektuhan ng malawakang tanggalan sa trabaho.
By Jaymark Dagala