Pumalo sa 500, 000 katao ang nakiisa sa selebrasyon ng Chinese New Year sa Manila Chinatown.
Ito’y naitala mula sa pagsalubong sa year of the wood dragon noong hatinggabi ng February 9 hanggang sa pagdaraos ng solidarity parade sa mismong araw ng Chinese New Year noong February 10.
Kasunod nito, nagpaabot ang mga Chinese organization maging ang embahada ng China sa Pilipinas ng pagbati sa lokal na pamahalaan ng maynila partikular kay Manila Mayor Honey-Lacuna Pangan para sa matagumpay na pagdaraos ng ‘pinaka-Engrandeng’ Chinese New Year sa lungsod. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma