Aabot sa 1.5K mga motor banca ang nasira matapos hagupitin ng bagyong Odette ang Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon sa Lokal na pamahalaan ng Palawan, maraming pamilya ang apektado ngayon matapos mawalan ng hanapbuhay ang maraming mangingisda.
Bukod kasi sa mga nasirang bangka ay nawasak din ang kanilang mga pananim.
Dahil dito, nanawagan ng tulong ang mga residente sa lugar na matugunan ang kanilang pangangailangan partikular na ang pagkain at malinis na inumin. —sa panulat ni Angelica Doctolero