Aabot sa 1,500 na paputok ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) mula December 16 hanggang 24.
Sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Roderick Alba na kahit na may mga nahuhuli ay kakaunti lamang ito, patunay lamang na nakikiisa rin ang publiko upang ipagbawal ito.
Naunang sinabi ng PNP na magpapatupad sila ng guidelines base sa Executive Order 28 kung saan nakasaad dito ang Regulation and Control of the Use of Firecrackers and other pyrotechnic devices.
Gayundin ang pag-iisyu ng operational guidelines para sa regulasyon at kontrol sa paggamit ng firecrackers and pyrotechnics upang matiyak ang ligtas at mapayapang holiday celebration.
Tututukan aniya ng PNP ang mga hindi binebenta sa firecracker zones at ipinagbabawal ng LGUs kabilang na ang mga overweight, oversized na mga paputok, at imported fireworks.