Naglaan na ang UNICEF o United Nations Children’s Fund ng isa punto limang (1.5) milyong dolyar na pondo para sa technical assistance at supplies para sa pagbabakuna sa Pilipinas.
Bukod pa ito sa tatlumpu’t tatlong (33) milyong dolyar na halaga ng mga bakuna na kanilang binili para sa Pilipinas noong 2015 at 2016.
Sinabi ng UNICEF na bagamat matagumpay sa pagbabawas ng “under-five mortality rates” ang immunization program sa Pilipinas, kailangan pa rin ng Pilipinas na mas paigtingin ang kampanya, lalo na at marami paring bata sa mga liblib na lugar ang hindi nababakunahan.
Inaasahang sa 2018 ay magkakaroon na rin ng libreng bakuna kontra Japanese encephalitis.
By Katrina Valle
$1.5M UNICEF fund laan para sa immunization program sa Pinas was last modified: May 1st, 2017 by DWIZ 882