Aabot sa 1.6 milyong Moderna at Astrazeneca COVID-19 vaccines na binili ng pribadong sektor ang mapapaso na sa susunod na buwan.
Kaugnay nito, umapela si Go Negosyo Founder Joey Concepcion sa pamahalaan na payagan na ang pagtuturok ng ikalawang booster shot sa general population upang hindi ito masayang.
Iginiit ni Concepcion na daang milyon ang masasayang dahil sa masisirang mga bakuna na nagkakahalaga ng $10 kada dose.
Sinabi pa nito na ang pagtaas ng antas ng mababakunahan, partikular ng booster shot, ay malaking tulong upang patuloy na sumigla ang ekonomiya.
Sa ngayon, tanging mga senior citizens at immunocompromised individuals ang pinapayagang makatanggap ng second booster shot.