Nakatakdang ipamahagi ang 1.6-M doses ng bakunang Johnson & Johnson (J&J) vaccine sa iba’t ibang rehiyon sa bansa bukas, Hulyo 17.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., posibleng limitahan muna sa 100,000 bakuna ang ipapamahagi sa bawat rehiyon.
Samantala, dodoblehin naman ang ibibigay na bakuna sa mga malalaking rehiyon tulad ng Region 4A at Bangsamoro Autonomous Region dahil mataas ang populasyon ng mga nasa A2 at A3 priority groups.
Bukod dito, inaasahang darating ang ikalawang bahagi ng Janssen Vaccines na 1.6-M doses at 1.3-M doses ng bakuna mula sa Sinovac.