Aabot sa P1.6 million na halaga ng smuggled cigarettes ang nasamsam ng mga otoridad sa apat na tripulante sa Zamboanga City.
Kinilala ang mga suspek na sina Julhasim Said; Albaser Said; Akramin Tarawi; at Rahim Said na pawang taga-Bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay.
Ayon sa mga otoridad, dadalhin sana sa bayan ng Ipil, Zamboanga sibugay malapit sa Manalipa Island ang mga puslit na sigarilyo ng maharang sa operasyon ng mga tauhan ng Police Command-Western Mindanao, at joint PNP-Bureau of Customs Anti-Smuggling Operation.
Kabilang sa mga nasamsam ang 43 master cases o kahon na may 94 na ream ng sari-saring imported na sigarilyo na sinasabing galing umano sa bansang Malaysia at idinaan sa Jolo, Sulu.
Nasa kustodiya na ngayon ng BOC-Zamboanga ang mga nakumpiskang sigarilyo, maging ang mga tripulante para sa masusing imbestigasyon at tamang disposisyon.