Dumating na sa bansa ang 1.69-M doses ng Johnson and Johnson (J&J) vaccine na donasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Lulan ng Flight EK 0332 lumapag sa NAIA Terminal 3 dakong alas-4 kahapon ang J&J vaccines.
Kabilang ito sa 3.2-M doses ng single-shot J&J vaccine na donasyon ng Amerika na mula mismo sa COVAX facility.
Inaasahan namang darating sa bansa ang ikalawang bahagi ng J&J vaccine sa linggo ng hapon, Hulyo 18 kung saan may kabuuang 3,213,200 doses.
Sa ngayon, nasa 4-M na ang nabakunahan kontra COVID-19 sa 14-M doses na nabili na COVID-19 vaccine ng bansa.