Naglaan ang pamahalaan ng isa punto anim (1.6) na bilyong pisong pondo para sa mga proyektong pang-imprastraktura sa Pag-asa Island.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang malaking bahagi ng naturang pondo ay para sa pag-aayos ng runway doon.
Para sa mas mabilis na konstruksyon, sinabi ni Lorenzana, na kanilang hihingin ang tulong ng ‘Seebees’ ng Navy para sa “beaching” sa isla para maipasok ng landing ship tank ng militar ang mga kakailanganing kagamitan.
Umaasa si Lorenzana na masisimulan ang konstruksyon bago pumasok ang panahon ng tag-ulan sa Hulyo.
Sea patrols
Samantala, nanindigan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, na normal lamang ang pagpapatrolya ng barko ng militar sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng paged-deploy ng militar ng BRP Gregorio del Pilar sa lugar.
Sinabi ni Padilla na wala itong kinalaman sa napaulat na pambu-bully ng China sa eroplanong sinasakyan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kahapon habang siya ay patungo sa Pag-asa Island.
Ang pagpapatrolya ng barkong pandigma ng Pilipinas ay bahagi aniya ng kanilang pagbabantay laban sa anumang banta sa seguridad at kapayapaan ng bansa.
By Katrina Valle
1.6B pondo laan para sa infra projects sa Pag-asa Island was last modified: April 22nd, 2017 by DWIZ 882