Mahigpit na ipatutupad ng D.A o Department of Agriculture ang ‘1-7-10 protocol’ para mapigilan ang pagkalat ng ASF o African Swine Fever sa bansa.
Ayon sa ahensya, inaatasan nila ang kanilang crisis management task force para sa implementasyon ng naturang protocol
Sa ilalim ng 1-7-10 protocol, kailangang magtalga ng quarantine check points sa loob ng 1 kilometer radius ng mga apektadong lugar.
Sa loob naman ng 7 kilometer radius ay kailangang magsagawa ng surveilance ang mga otoridad at limitado lamang ang galaw ng mga hayop.
Kailangan namang magreport sa D.A ang mga may ari ng babuyan sa loob ng 10 kilometer radius.
Ibinaba ang protocol matapos ianunsyo kaninang umaga ang resulta ng isinagawang pag aaral ng mga samples ng mga baboy na ipinadala sa Europa noong nakaraang buwan.