Aabot sa 4,500 na magsasaka mula sa Luzon ang tinulungan ng San Miguel Corporation kasama ang Rural Rising Ph sa pamamagitan ng pagbebenta ng nasa 1.7 million kilos ng prutas at gulay mula nang magsimula ang pandemya nuong 2020.
Sa pakikipagtulungan ng SMC sa Ruri, natulungang mapataas ang kita ng mga magsasaka at naibenta sa murang halaga ang mga produkto sa pamamagitan ng better world Diliman Community Center.
Sinabi ni SMC President and CEO Ramon S. na ikinalugod nilang mailapit ang mga produkto ng mga magsasaka sa mga konsyumer sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas abot kayang halaga.
Aniya, ang nasabing ugnayan ay makapagbigay ng sapat na suplay ng mga prutas at gulay sa adopted communities sa tondo sa ilalim ng better world tondo community center.
Mula sa naturang bilang ng mga nareskyu agri-products, 14,000 kilos ng mga produkto ang ibinigay ng better world diliman sa tondo mula noong 2020 habang 2,260 kilograms ang ibinigay sa box-all-you-can activities ng SMC.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng programa ng SMC para palakasin ang kita ng mga magsasaka, mapigilan ang pagsasayang ng mga pagkain at matiyak ang food security sa bansa gitna ng COVID-19 pandemic.