Ikinatuwa ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdami ng nagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na gaganapin sa Nobyembre.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na pumalo na ngayon sa 66 milyon ang bilang nang rehistradong botante sa Pilipinas.
Malaki ang naging ambag dito nang nagdaang May 9 elections kung saan naging aktibo ang lahat sa usapin ng politika.
Sa huling datos, umabot na sa 1, 712, 315 ang nakapag-parehistro para sa BSK elections.
Inaasahan namang lalagpas pa ito sa na-estimate nila na 2M bago matapos ang registration period sa July 23.