Target ng National Economic and Development Authority na makalikha ng 1.7 million na trabaho ngayong taon.
Positibo ang NEDA na magagawa nila ito sa pamamagitan ng ‘Build Build Build’ projects ng Duterte administration.
Pursigido ang NEDA na mabawi ang mahigit sa 600,000 mga trabaho na nawala noong 2017.
Sa orihinal na programa ng NEDA, mula 900,000 hanggang 1.1 milyong trabaho ang target sana nila taon-taon subalit nabigo silang maabot ito noong nakaraang taon.
—-