Tinatayang 1.8M indibidwal na nasa hanay ng targeted population ang nabakunahan sa ika-apat na bugso ng national vaccination drive ng pamahalaan.
Ayon kay Dr. Krezia Lorraine Rosario ng National Vaccination Operations Center (NVOC), mahigit 255K na mga bata at nasa 90K senior citizens na ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19 sa “bayanihan, bakunahan” na umarangkada noong Marso 10 at natapos noong Marso 18.
Sinabi ni Rosario na mahalaga na gawing mas convenient at accessible ang bakunahan lalo na sa mga matatanda at maging ang pagkakaroon ng house-to-house vaccination at social preparations.
Aminado rin si rosario na marami pa ring pinoy ang takot at may agam-agam o pag-aalinlangan sa pagpapabakuna kontra COVID-19.