Nagbitiw sa tungkulin si Mayor Walter Echevarria, Jr. ng General Mariano Alvarez sa lalawigan ng Cavite dahil sa mga problemang pangkalusugan.
Ang kaniyang pagbaba sa puwesto ay inanunsyo ni Echevarria sa Facebook bagamat hindi na nito idinetalye pa ang tinukoy na health reasons.
Sinabi ni Echevarria na kailangan ng bayan ng GMA ng lider na mangunguna sa mga residente lalo na sa laban kontra COVID-19.
Umapela si Echevarria sa mga kababayan niya na patuloy na suportahan ang mga programa ng local government lalo pa’t naniniwala siyang itutuloy ito ng papalit sa kanyang si Mayor Maricel Torres.
Si Torres ay una nang nanumpa kay Cavite Governor Jonvic Remulla kasama si Vice Mayor Angela Lenin Paycana.