Ipinaramdam pa rin ng Philippine Army ang diwa ng Kapaskuhan sa gitna ng nararanasan pa ring pandemya sa COVID-19.
Ito’y makaraang ilaan ng mga sundalo mula sa army ang isang araw nilang subsistence allowance para sa pamilya ng mga nasalanta ng nagdaang kalamidad sa bansa.
Ayon kay Philippine Army Chief Lt/Gen. Cirilito Sobejana, aabot sa P14 milyong ang kanilang naipon at kanila itong ibinigay kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Dir. Ricardo Jalad.
Partikular na makikinabang sa ayudang hatid ng army ang mga nasalantang pamilya sa mga lalawigan ng Catanduanes at Cagayan Valley.