Pinaiimbestigahan ni ACTS-OFW Representative John Bertiz sa Kamara ang halos isang bilyong pisong halaga ng kontrata para sa motor vehicle license plates ng Land Transportation Office o LTO.
Ayon kay Bertiz, sa simula pa lamang ay kwestyonable na ang bidding dahil ang 998,800,000 milyong pisong halagang kailangan para sa pagbili ng license plates ay hindi nakasaad sa General Appropriations Act of 2017.
Paliwanag ni Bertiz, walang appropriations para pondohan ang pagbili ng mga plaka sa ilalim ng ‘motor vehicle registration and driver’s licensing regulatory services’ dahil ang ‘motor vehicle registration’ ay kaiba sa pagbili ng license plates.
Giit pa ni Bertiz, minanipola lamang ang bidding dahil kinopya lamang ng lto ang terms of reference na ibinigay ng supplier para sa naturang halaga ng plaka ng sasakyan upang tumugma ito sa pangangailangan ng ahensya.