Narekober ng mga otoridad sa isang raid sa bahagi ng Carlos Palanca sa Maynila, ang isang bag na naglalaman ng mga sangkap ng paggawa sa bomba.
Ito ay sa serye ng pagsalakay sa mga hinihinalang pinagtataguan ng mga suspek sa pagpapasabog sa bahagi ng Quiapo, noong nakaraang linggo kung saan labing apat (14) ang nasugatan.
Ayon kay Chief Insp. Rosalino Ibay, ang bag ay natagpuan sa isang bahay malapit sa Muslim center.
Kabilang sa laman ng bag ay ang isang piraso ng GI5, isang 454 gun powder, dalawang (2) pirasong shotgun empty shell, mga turnilyo, electric wire, bolts at speaker.
By Katrina Valle |With Report from Aya Yupangco