Nagpadala ng halos 1 batalyong sundalo ang militar sa Cagayan bilang dagdag puwersa sa pagbabantay sa Benham o Philippine Rise.
Dumating na sa Cagayan ang nasa 400 Marines mula sa Tawi-Tawi.
Ayon kay Lt. Gen. Emmanuel Salamat, ang pinuno ng AFP Northern Luzon Command, bukod sa dagdag tropa may darating ding dagdag na mga air at sea asset para mag-patrolya sa Philipinne Rise.
Kasunod aniya ito ng direktiba ng Pangulong Duterte na bantayan ang mga teritoryo ng bansa.
Bukod sa pagbabantay sa Benham Rise, isasabak din ang mga dagdag na Marines sa paglaban sa mga NPA sa Northern Luzon.
—-