Isang bilanggo ang patay at tatlo ang sugatan sa naganap na riot sa gitna nang isinasagawang oplan galugad operation sa new bilibid prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay Bucor Spokesman Assistant Secretary Gabriel Chaclag , isang matandang inmate ang nagsumbong sa mga kaalyadong preso na sinuntok siya ng isa pang bilanggo na ikinagalit ng kaniyang mga kasamahan at nanaksak ang mga ito samantalang ang iba ay nag away away na sa hiwalay na lugar.
Sinabi ni Chaclag na kaagad namang naaresto ang suspek.
Narekober naman sa inspeksyon sa maximum security compound ang mahigit 100 pana, halos 100 bolo at machete at high tech celfons at gadgets at mga nakakamatay na armas naman ang nasabat sa medium security compound.
Ang pagkabagot dahil sa kawalan ng bisita ang nakikitang dahilan ng nbp kayat umiikli ang pasensya ng mga preso.