Mahigit isang bilyong pagkain ang nasasayang kada araw sa buong mundo noong taong 2022.
Ito’y ayon sa United Nations Environment Programme (UNEP) Food Waste Index Report 2024 kung saan 60% o higit 600 milyong tonelada ng nasayang na pagkain ay mula sa mga kabahayan; halos 30% ang nagmula sa food service habang 12% naman ang galing sa retail.
Batay pa rin sa report, halos 3, 000, 000 tonelada ng pagkain ang napaulat na nasasayang kada taon sa Pilipinas.
Mas mababa ito ng 68.35 % kumpara sa 9.33 milyong tonelada kada taon noong 2021. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma