Papalo na sa mahigit isang bilyong accounts ng Yahoo ang nabiktima ng hacking attack simula pa noong 2013.
Ito ang inamin ngayon ng internet giant na Yahoo makaraang lumabas na karagdagang 500 milyong accounts ang na-hack noong Setyembre ng 2014.
Ayon sa Yahoo, kabilang sa mga nanakaw na impormasyon ng mga hacker ay pangalan, phone numbers, passwords at e-mail address.
Nilinaw naman ng Yahoo na hindi naapektuhan ng hacking incidents ang mga bank at payment data.
Dahil dito, mahigpit na nakikipagugnayan ang Yahoo sa mga pulis at mga kinauukulan para aksyunan ang serye ng hacking.
By Ralph Obina
Photo Credit: Bloomberg