PUMALO na sa isang bilyong piso ang halaga ng humanitarian assistance na inilaan ng Estados Unidos para mga sinalanta ng bagyong Odette.
Sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID), ibinuhos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 129,400 food packs sa Caraga, Central Visayas, Mimaropa, Western Visayas, at iba pang bahagi ng Luzon.
Nabatid na sa pakikipagtulungan din ng World Food Program, nakapaglatag din ang international organization ng 12 mobile storage units at isang generator sa itinayo nitong emergency logistics hub sa Surigao City, Surigao del Norte.