Aabot na umano sa isang Bilyong Piso ang pabuya ng mayayamang drug at crime lords para sa ulo nina incoming President Rodrigo Duterte, incoming PNP Chief Gen. Ronald Dela Rosa, isang Senador at iba pang government official.
Ayon sa isang source sa New Bilibid Prison, nasa 20 leader ng mga crime syndicate na karamiha’y drug lord ang nag-aambag para higitan ang ini-aalok namang pabuya ni Duterte.
Ang bawat drug lord anya ay nangako ng 50 Milyong Piso para sa makakapatay sa susunod na Pangulo at PNP chief.
Dalawa sa mga nangako ng pabuya ay kabilang sa “bilibid 19” na kasalukuyang nakapiit sa building 14.
Bukod kina Duterte at Dela Rosa, kabilang din sa kill-list sina dating Justice Secretary at ngayo’y Senator-elect Leila de Lima at Bureau of Corrections Director Ricardo Rainier Cruz III.
By: Drew Nacino