Masayang ibinalita ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na naabot nila ang mahigit isang bilyong pisong kita ngayong taon.
Ito ay ang pinagsama-samang kita mula sa walong pelikula ng festival.
Ayon kay MMFF Spokesperson Noel Ferrer, labis nilang ikinatutuwa na sa kabila ng mga masamang panahon at iba pang mga hamon ay marami pa rin ang naglaan ng kanilang oras para manood.
Kasabay nito, pinasalamatan ng pamunuan ng MMFF ang lahat ng mga tumangkilik at patuloy na tumatangkilik sa mga pelikulang Pilipino.
—-